Hindi alam kung anu-ano ba ang mga dapat aralin, pag-aralan at matutunan para magtagumpay sa isang MLM busines bilang isang NETWORKER.
Hindi nakapagtataka na sila rin ang mga taong hindi tumatagal at kalaunan ay tuluyan ng tumitigil...QUITERS! Maaari kasing basta na lang sila nag join ng hindi man lamang nakapakinig or napaliwanagan ng business presentation or di naman kaya ay di talaga sila nagkaron ng interes na makinig.
Basta na lang sila sumali...opo! meron po talagang ganoong mga tao.
Lagi mong tatandaan na ang NETWORKING business ay para ring pagtatanim o pagsasaka.
Wala kang aaninhin kung wala ka namang itinanim.
Ano nga ba ang pinaka una mong dapat gawin once you join or invest in MLM business?
Mahalaga na sa simula pa lang ay magawa natin ng tama ang isang bagay upang sa gayon ay magtuloy-tuloy ito ng maayos at maiwasan natin na masayang ang mga oras, panahon at effort na gugulin natin especially sa MLM business. Malaki rin ang maitutulong ng paguumpisa ng tama sa isang MLM business, dahil kapag tama ang naging umpisa ay malabo kang mag-QUIT sa business mo.
Marahil ay pamilyar ka na or naka encounter ka na rin ng mga taong nakapagsabi or nakapag kwento sayo ng ganito; "Naku, networking?...sumali ako dati sa ganito, sa ganito at sa ganitong company pero wala namang nangyari. Sa dami ng nasalihan ko Di naman ako kumita.
Sounds familiar ba? :-)
Marami sa mga nagjo-join sa MLM business ay maagang sumusuko, bumibigay at nabu-burn out dahil "frustrated" sila sa mga nangyayari sa kanilang business...puro failures and rejections ba.
Posibleng hindi nila naunawaang mabuti ang totoong konsepto ng MLM business and so eventually they QUIT.
Kaya para sa mga nagbabalak at desidido nang mag join, para sa mga beginners or nagsisimula pa lang sa larangan ng NETWORKING at para na rin sa mga medyo nakapag stay na for awhile sa business pero hindi pa rin talaga maunawaan kung paano ba dapat magsimula ay panahon na para malaman mo kung ano ba talaga ang unang dapat mong gawin para mag succeed sa iyong MLM business.
After mong mag "pay-in" or "sign-up" para maging legit distributor ka na ng isang MLM company, ang dapat mong gawin ay ang ARALIN ANG NEGOSYO.
Paano mo aaralin ang negosyo?
Maraming paraan para matutunan at mapag aralan mo ang inyong MLM business.
It's up to you kung saan ka mas comfortable and what is best suited for your time.
Pwede kang umattend ng mga trainings and seminars na meron ang company mo, you can watch recorded training videos or attend live webinars kung meron ang company mo.
It is really up to you kung papaano, basta dapat ARALIN mo muna ang negosyo.
Ang unang dapat mong i-goal ay ang malaman at matutunan ang lahat ng may kinalaman sa MLM business mo.
Huwag mo munang paka isipin kung papano ka kikita ng malaki dahil pag ginawa mo yun maaga kang bibigay once dumating na sa point na marealize mong sumabak ka pala sa giyera ng wala kang dalang armas at mga bala. Yung iba kasi after na mag join sa MLM business invite dito-inivite duon na agad ang ginagawa at nagpapaliwanag pa. Ang masaklap ay kapag ang invites/prospects mo ay maraming tanong...at hindi mo magawang sagutin ang mga tanong sa'yo kasi nga wala ka pang nalalaman about the business.
Dapat you have to equipped yourself first with knowledge and skills na kakailanganin mo sa pagpapaunlad at pagpapalago ng NETWORKING business mo.
Dun ka muna mag focus at huwag sa kung magkano ang kikitain mo. Once natutunan mo na ang sistema ng MLM business at unti-unti mo ng ginagawa, susunod na lang ang kita/income mo.
Assuming nandun na tayo sa point na inalam mo na lahat ng may kinalaman sa MLM company mo at napatunayan mo na legit at kumpleto sa legalities and licenses ang company mo.
Ang next step na dapat mong gawin ay ang magkaron ng Entrepreneur's mindset at Positive mindset.
So, you really have to spend time, effort and dedication para mapag-aralan at matutunan one after the other ang lahat ng may kinalaman sa MLM business mo.
After mong maka-attend ng business presentation ng company mo at after mong maka attend ng NDO ( New Distributors Orientation ), there are 2 basic factors na dapat mong aralin at dapat mong matutunan agad para maging portable ang business mo at masimulan mo ng makapag sponsor ng tao at bumuo ng grupo mo.
Yeah right, magiging portable ang business mo once natutunan mo na kung papaano mo ito ipapaliwanag sa mga invites or prospects mo ng hindi na umaasa kay upline or sa sponsor mo.Plus nandiyan pa ang tulong ng internet technology na lalong makapagpapadali sa pag explain mo ng business sa mga prospects mo kaya very portable talaga.
DAPAT MONG ARALIN MUNA ANG;
Napaka importanteng alam mo ang mga bagay na yon para kapag sinimulan mo ng mag sponsor ng tao ay alam mo kung papaano ipaliliwanag sa kanila at hindi mo na kailangang umasa ng umasa kay upline or sa taong nag sponsor sa'yo.
Dapat malaman mo agad that sooner or later time will come na gagawin mo rin ang ginawa sa'yo ng taong nag sponsor sayo sa business. Ang magpresent ng business sa mga prospects mo or yung MARKETING PLAN.
2. PRODUCTS- dapat alam mo rin kung anu-ano at para saan ang mga products na meron ang company mo. Makabubuti kung ikaw mismo ang unang susubok ng mga produktong mina-market ng company nyo especially if you are inclined with health and wellness products para alam mo kung ano talaga ang effect/s. Sa ganoong paraan mas magiging epektibo ka sa selling.
Mas maganda kung mamamaster mo ang mga ito nang mas mabilis at para mangyari yon ay dapat kang maglaan ng oras at panahon sa pag-aaral ng MARKETING PLAN at ng PRODUCT DEMO ng company mo ng atleast five times each. Pwede kang umattend ng mga trainings na ginagawa ng company nyo or pwede ring panoorin mo sa video ng paulit-ulit until such time na maabsorb mo na siya at matutunan.
(tip: kung ang option mo ay panonood ng video, makabubuting gawin mo ito sa oras na relax na relax ka at wala kang ibang iniisip na gagawin para talagang maabsorb mo yung training)
Once natutunan mo na ang Marketing plan at Product demo, it is time to take another training. The next training na dapat mong matutunan ay about SPONSORING.
Sana ay nakatulong sa'yo ang blog na ito. Sa susunod pag-usapan naman natin ang SPONSORING.
Mahalagang matutunan mo ang training about SPONSORING para unti-unti kang makapag build ng group/network mo. Sa training na ito nakasalalay ang pagpapalaki mo ng iyong grupo.
So, stay tuned :-)
Para po sa inyong mga katanungan or if you are interested in joining an MLM business, please add me on FACEBOOK and PM me:
https://www.facebook.com/profile.php?id=100010358954623
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento